You are here: Home » Local News » Dharryll Rodriguez Mojica’s Death, Family Looking for Justice!

Dharryll Rodriguez Mojica’s Death, Family Looking for Justice!

The cause of Dharryll Rodriguez Mojica’s death stirred the Filipino netizens after one of the family members posted a message on Facebook regarding the case.

On October 18, 2014, Erminia Mojica Ersando posted a message on Facebook detailing her sentiments over the death of Dharryll last September. She mentioned that there are inconsistencies on the claim of the Philippine Coast Guard officials regarding the cause of Dharyll’s death.

Here’s the unedited script taken from Facebook with some relevant photos of Dharryll Mojica.

dharryll-rodriguez-mojica-death

Siya po ay si DHARRYLL RODRIGUEZ MOJICA, 23 y.o ng Banaba Cerca Indang, Cavite. Isa po sya sa Class 32 trainees ng Phil. Coast Guard simula April 28, 2014. At kasama sana sa gagraduate ngayong October 2014.

September 22, 2014 Lunes ng umaga ay tumawag at nagsabi na Recognition nila kinabukasan (Martes) na gaganapin sa Training Center Taguig lower Bicutan. Nagpabili ng ibat ibang produkto ng Indang para ibahagi sa kanyang mga kaklase at instructor.

September 23, 2014 Martes Ay maaga kami pumunta ng Taguig para masaksihan ang kanilang recognition. Masaya ng masaya kami ng Araw na iyon dahil at last recognized na sya, is ang buwan nalang ang bubunuin at gagraduate na..

September 24, 2014 Myerkules 09:30 ng umaga Ay umuwi dahil liberty Kung tawagin at babalik ng 04:00 ng hapon. Masaya ng masayang umuwi at walang humpay ang kwento. Pagod, puyat at Hirap ang kanyang kalaban malampasan lang daw ang lahat ng Ito. Ipinagmamalaki na is ang buwan na lang ang bubunuin at ganap na myembro na ng Phil. Coast Guard.
Nang hapon iyon Ay masayang nagpahatid sa Headquarters ng Phil. Coast Guard sa Intramuros, Manila. Masaya pang sinabi na Kung papayagang makauwi ng Linggo Ay uuwi daw at aagahan nya. Iyon ang Huli naming personal na pag uusap….

September 25, 2014 Huwebes, nakatanggap kami ng tawag mula sa PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL na si Dharryll Mojica daw Ay nasa emergency room, intubated at dalawang beses na na revived. Dali Dali kami pumunta ng PGH…
Pagdating namin sa Emergency Room Ay isang kalunos lunos ang aming nakita. Isang Dharryll na may tubo, brain dead at machine na lamang ang nagsisilbing buhay. Tanging tuwalya lamang ang takip.
Ang sabi ng mga taga Coast Guard. Siya daw Ay “aksidente ng” nakuryente habang naliligo ngunit Taliwas sa PGH na may may nakuhang 2 Litro tubig sa baga na possible nalunod o nilunod pa nga daw, fracture ang leeg, at puro pasa ang binti, isang mahabang lapnos sa Likuran, at Kung anu anong marka ng sugat. Kahit Hindi nakapagaral ng medicine Ay naiimposiblihan sa pangyayari sa kanya!!!! Sanay patunayan ng pamunuan ng Phil. Coast Guard na Ito nga Ay aksidente lamang. Sanay may puso magsabi ng katotohanan!!!!

Siya po Ay si Dharryll R. Mojica nag23 nung September 21, 2014. Kahit po kanino kayo magtanong Kung ano klaseng Tao ang batang Ito Ay Iisa lamang ang kanilang sinasabi: mabait, tahimik at di kikibo Kung wala kadin lamang sasabihin. Matino po syang Tao, maaasahan at masayahing Tao sa nakakakilala sa kanya. Pero BAKIT??????? Napaka dami pong Bakit ang aming katanungan! Bakit Siya na napakaraming pangarap at ang tanging hangad Ay manilbihan sa ating bayan. Kung tutuosin po Ay di naman nya kanilangan pumasok sa ganito klase dahil may maayos naman sya trabaho at pinagkukunan. Pero dahil gusto magkaron ng isang propesyon at makatulong sa bayan ay pumasok sa institusyon ng Philippine Coast Guard.

Sa inyo pong lahat kami po ay humihingi ng tulong na ikalat po Ito. Tulungan po ninyo kami makamit ang hustisya para sa kanya. At upang Hindi napo Ito mangyari pa sa iba. Tao po si Dharryll, karapatan po niya ang sanay mabuhay at makapaglingkod sa ating bayan ngunit Ito po Ay nawakasan agad. Muli, humihingi po kami ng tulong sa inyo. JUSTICE FOR DHARRYLL R. MOJICA!

As of writing, the viral post on Facebook already garnered a total of 6,364 Likes and 199 Shares.

What’s your take on the case of Dharryll Mojica’s controversial death? Do you think that the Philippine Coast Guard officers are hiding the truth?

Loading...

We have Anything & Everything. Because Information Matters.

http://PHnews.NET