Manila, Philippines -- May maswerteng bettor na naman ang nag-uwi ng mahigit 24 milyon pesos na jackpot prize sa larong mega lotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) sa laro kagabi, September 7, 2020. Sa naturang deklarasyon ng PCSO representatives, solo o nag iisa lang ang jackpot winner.
Hindi kailanman natin malalaman kung ano ang pangalan ng lucky winner dahil ito ay hindi pwedeng ipakilala ng PCSO para sa kanyang siguridad.