24 Million Jackpot Prize Napanalunan Sa Philippine Lottery, September 7, 2020 Game Draw
Manila, Philippines -- May maswerteng bettor na naman ang nag-uwi ng mahigit 24 milyon pesos na jackpot prize sa larong mega lotto 6/45 ng Philippine Charity Sweepstakes Office(PCSO) sa laro kagabi, September 7, 2020. Sa naturang deklarasyon ng PCSO representatives, solo o nag iisa lang ang jackpot winner.
Hindi kailanman natin malalaman kung ano ang pangalan ng lucky winner dahil ito ay hindi pwedeng ipakilala ng PCSO para sa kanyang siguridad.
Ang winning combination sa mega lotto 6/45 na inilathala ng PCSO na, 37-07-34-17-05-27 na may kabuuang premyo na Php 24,042,863.80 ay tuluyan na ngang napasakamay ng isang lotto bettor. Ang pagwagi ng maswerteng manlalaro ay isang napakalaking biyaya dahil sa kasalukuyang pandemya na hatid ng corona virus 2019.
Congratulations muli sa taong tatanggap ng maagang pamaskong panalo sa lotto mula sa nag iisang lottery game ng bayan handog ng PCSO.
Tayo po ay patuloy na sumuporta at huwag tayo mawalan ng pag-asang manalo sapagkat balang araw ang ating pagtitiyaga ay magdudulot rin ng tunay na tagumpay. Sana isa sa atin ay mananalo sa kahit anong lottery games ng Philippine Sweepstakes gaya ng 6/42, mega lotto 6/45, super lotto 6/49, 6/55, atbp.
Sa kabilang dako, ang winning combination sa grand lotto 6/55 ay: 28-30-20-49-26-40 na may jackpot prize na Php 100,209,926.40 na kung saan walang naitalang nanalo.
Muli po naming binabati ang maswerteng nanalo ng mahigit 24 Million pesos sa larong mega lotto 6/45 ngayong gabi.