Mahigit 339 Million Pesos Napanalunan Mula Sa PCSO 6/58 Lotto Game, September 6, 2020
Manila, Philippines - Lucky lotto bettor ang maswerteng nanalo ng mahigit 339 Million pesos mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO lottery games ngayong gabi, September 6, 20120 sa larong ultra lotto 6/58. Sa naturang deklarasyon ng PCSO representatives, solo o nag iisa lang ang jackpot winner na siyang mag uuwi ng tumatagingting na premyo.
Ang winning combination sa ultra lotto 6/58 na inilathala ng PCSO na, 18-19-28-09-01-11 na may katumbas na premyong Php 339,217,037.60 ay tuluyan na ngang mapapasakamay sa isang lotto bettor. Ang pagwagi ng maswerteng manlalaro ay isang napakalaking biyaya dahil sa kasalukuyang pandemya na hatid ng corona virus 2019.
Hindi kailanman natin malalaman kung ano ang pangalan ng lucky winner dahil ito ay hindi pwedeng ipakilala ng PCSO para sa kanyang siguridad.
Congratulations muli sa taong tatanggap ng maagang pamaskong panalo sa lotto mula sa nag iisang lottery game ng bayan handog ng PCSO.
Tayo po ay patuloy na sumuporta at huwag tayo mawalan ng pag-asang manalo sapagkat balang araw ang ating pagtitiyaga ay magdudulot rin ng tunay na tagumpay. Sana isa sa atin ay mananalo sa kahit anong lottery games ng Philippine Sweepstakes gaya ng 6/42, mega lotto 6/45, super lotto 6/49, 6/55, atbp.
Muli po naming binabati ang maswerteng nanalo ng mahigit 339 Million pesos sa larong ultra lotto 6/58 ngayong gabi.
Samantala, ang winning combination sa isang major lotto game na superlotto ay: 08-36-37-41-39-23 na may jackpot prize na Php 52,495,925.40 na kung saan wala pong nanalo.