Babala! CHEAP Heng De Face Shield Maaring Ikakasama ng Inyong Kalusugan
Napakamurang mga face shields na may tatak ng Heng De ay nakakaengganyong bilhin gaya na rin ng mga super cheap na disposable face masks sa merkado. Pero sa sobrang baba ng halaga at presyo ng mga covid-19 essentials na ito, mapapangalagaan ba talaga ang ating kalusugan?
Maraming mga mamamayan ang nagrereklamo sa ibang online sellers kung bakit mataas ang kanilang benta ng face shields matapos maikumpara ang presyo sa mga nagtitinda sa bangketa. Ang inirereklamo ay hindi lang basta basta masasabing tubo or revenue share ng online sellers kundi ang mismong presyong sobrang mura na makikita sa bangketa.
Amin po itong sasagutin sa abot ng aming makakaya para maliwanagan po ang lahat kung ano nga ba ang kadahilanan ng mga presyong malalayo ang agwat.
Sana ay matuldukan na ang mga maling kuro-kuro pagkatapos niyong basahin ang top reasons kung bakit mayroong malaking agwat ng face shield prices pati na rin sa bentahan ng face masks sa Pilipinas.
Gaya ng pamagat ng artikulong ito, posibleng napakapanganib ang maidudulot sa inyong kalusugan kung sakaling pilitin niyong bumili ng mga mumurahing face shields. Basahin maigi ang mga sumusunod na paliwanag.
Kung may face shield na halagang halos $1,000 USD, bakit may face shield na less than 1 dollar?
1. Low Quality face shields. Opo, tama po ang nababasa ninyo. Ang lahat ng produkto na galing sa China tulad ng Heng De faceshields na umiikot sa merkado ngayon ay may kaukulang quality standards na sinusunod para maprotektahan ang magsusuot nito laban sa corona virus 2019 o mas kilala sa tawag na covid-19. Ang face shield ay nasa category ng personal protective equipment na kung saan layunin nitong harangan ang virus. Pero bukod diyan kailangan din ng tamang optical quality, heat resistance and good chemical resistance para pumasa sa required standards. Ngayon, sa murang halaga ng nabili mong face shield, kumpara sa ibang face shields, ay dapat mong tanungin ang sarili mo kung kapanipaniwala nga ba ang halaga kung ihahambing mo ito sa dekalidad na produkto? Isaisip mo rin na napakasensitibo ang manufacturing process ng medical equipment dahil sa world standards na dapat maabot. Ang mga materyales ay dumadaan sa masusing 'medical tests' bago ito mailabas at papayagang maibenta ng health regulatory board ng ibat ibang bansa.
2. Old stock. Maaraming napakalumang stocks na ito na nakaimbak sa bodega at bumaba na ang kalidad neto kaya binebenta na lang ito ng napakamura. Kapag luma na ang produkto ay maihahambing natin ito sa isang expired product. Kung ganon, maaaring madaling mabitak(crack) ang face shield kapag ginagamit na ito. Kapag luma na ang produkto, mabilis din lumabo ang acetate film na maaring ikakadesgrasya ninyo kapag malabo na ang inyong paningin. Isusugal mo ba ang buhay mo para sa napakamurang Heng De face shield?
3. Fake Heng De face shield. Heto ang pinakamabigat sa lahat ng rason. Aming napag alaman sa mga Heng de suppliers sa pinas na kahit anong kumpanya na lang sa Tsina ang basta basta na lang nagreproduce at nagmanufacture ng face shields at tinatatakan ng Heng De brand. Sa madaling sabi, posibleng nacompromise na ang quality standards ng mga kagamiting medikal na ito. At hindi naman lingid sa ating kaalaman na kapag imitation o peke ang produkto eh halos kalahati ang baba ng presyo nito kumpara sa original o yong produktong dekalidad. Kaya mag isip-isip ka at suriin mong mabuti kung orihinal ba na Heng De face shield yan baka bukas makalawa malamig na bangkay na ang susuot nito dahil mahawaan agad ng corona virus ang may suot neto.
Marami pang mga rason na dapat ikakabahala sa mga napakamurang face shields pero ang tatlong ito ay sapat na para mapag isipan ninyong maigi ang desisyon sa wastong pagpili at pagbili ng protective equipment na ito laban sa covid-19.
Mga kabayan, maging mautak lalo na sa gitna ng pandemyang ito. Kalusugan ay pangalagaan at sa murang mga bilihin huwag pumatol ng basta basta. Isaalang-alang ang inyong sariling kapakanan dahil ikaw ay may hawak na iisang buhay lamang.
Muli sa aming babalang ito, maging mapagmatyag at mabusisi sa pagbili ng mga Heng de face shields o sa ano pa mang uri ng medical health kits or protective equipment.