Sen. Lacson Nagpasaring Kay Leni Robredo Sa Twitter; Leni "Ma-EPAL"
Manila, Philippines – Matapos ang mga interviews na ginawa ni Jessica Soho, Boy Abunda at DZRH-Manila Times, malinaw sa mga sagot ni Leni Robredo na wala itong respeto sa kanyang mga katunggali lalo na sa ating mahal na President Bongbong Marcos. Maraming akala na si Leni ay magiging huwaran sa isang malinis na political campaign pero lahat ng iyon ay nanatiling panaginip lamang sa mata ng kanyang mga bulag na tagasuporta.
Isa sa napaka-trending at viral na topic ngayon sa social media ay ang mga ibinato nitong mga maaanghang at tahasang pagbigay ng komento sa mga katunggali nito na wala man lang malinaw na basehan. Marami ang nasuka at naririndi kay Leni Robredo lalo na sa kampo ni Mayor Isko at Senator Lacson. Ayon nga ni Leni, si Yorme ay “Hindi klaro ‘yung paninindigan sa maraming bagay.” Inakusahan din niya si Senator Lacson na “maraming salita pero kulang sa on-the-ground na gawa".
Hindi mapigilan ni Senator Lacson na mag-react sa walang basehan na pag-akusa ni Leni at nagpost nga ito sa Twitter account niya ng maikling tugon na:
Hindi ako kulang sa ‘on the ground’. Hindi lang talaga ako ma-epal tuwing magbibigay ng tulong sa mga kalamidad man o sa mga indibidwal na tulong.
Mukhang may punto nga si Senator Lacson dahil maraming mga netizens ang nagpost ng video sa Facebook na nagpapakita kay Leni na wala naman talagang malalaking ambag at tulong na naibigay noong pumunta ito sa Visayas matapos mangyari ang bagyong Odette. Isa sa mga netizens nga ang nagpost na hinatak daw sila ng grupo ni Leni sa airport para lang magka “photo op” ito.
Ang mga ganitong sagot ni Leni ay nagpapatunay lang na hindi na kayang pagbuklurin ang buong sambayanang Pilipino dahil siya ay mahilig magbitaw ng mga mapanirang puri at negatibong pag-aakusa sa kanyang mga kalaban sa pulitika na wala man lang maayos na basehan.
Ating maalala na si Leni Robredo ay ilang ulit binanggit sa interview ni Mike Enriquez hindi siya tatakbo sa pagka-pangulo netong 2022 elections dahil hindi niya hangad maging pangulo ng bansa. Ngunit nauna nga itong mag-file ng kanyang certificate of candidacy noong Oktobre.
Milyon-milyong mga Pilipino ang galit at nagsasabing kailanman hindi nila iboboto si Leni Robredo sa kahit ano mang posisyon sa pamahalaan dahil na rin malimit itong sabog, sabaw, at “lutang” kung sumagot ng mga tanong ng mga news reporters.